1. See Detail

Author Spotlight: Manix Abrera

Author Spotlight: Manix Abrera

Did you know that May 5th is Cartoonists' Day? To celebrate, we chat with the creator of the hilarious yet all too real Kikomachine Komix—Manix Abrera!


You've been a comic creator for years now. Can you tell us a bit about your journey as an artist and a writer?

Nagulat ako nang ma-realize kong almost 20 years ko nang ginagawa ang Kikomachine Komix. Nagstart akong 2nd year college pa lang, at tinuloy-tuloy ko hanggang ngayon. Nagsimula ito na college life ang central theme, pero through the years, sumabog na sa kalawakan ang range ng topics at themes nito, haha. Pero binabalik-balikan ko pa rin ang scenes sa unibersidad, lalo na sa mga eksenang kwentuhan sa isawan, at sa classroom na ang main character ngayon ay ang terror prof. :) Ang hindi mawawala sa mga komix na ginagawa ko ay yung kulturang pinoy na mahal na mahal ko; lalo yung mga kakaiba at weird na mga paniniwala natin, hehe.

 

What is the first ever comic you've drawn/story you've written? Bonus points if you can share a photo!

Grade school pa ako nito: si “Flat-tops Boy”. Adventures ng isang skateboarding kid at kaibigan niya. Mahabang graphic novel type ito na maraming chapters, haha. Naitago pa ito ng tatay ko sa bahay namin sa Antipolo, pero kailangan pang hanapin nang matindi. Hahanapin ko after ng ECQ pagnakabalik sa bahay doon. :)

 

Aside from Kikomachine, what do you most like to draw?

Gustong-gusto ko rin ang News Hardcore na weekly webcomics, at ang silent/wordless comics na ginagawa ko rin kapag may oras at hindi naiipit sa deadline, haha. Bukod sa “12” and “14” na wordless comics, meron pang kasunod ito na hindi ko pa natatapos sa ngayon. Pero umaandar na ito, haha. At may iba pang comics projects din ako na tinatapos pa, pero secret na lang muna kung ano, hehe. :D

 

What is your dream project?

Makagawa ng children’s book na collaboration namin ng tatay kong si Jess Abrera. :D

 

What is your creative process like? Can you share a sneak peek into a day in the life of a comic creator?

Iba-iba ang drawing days ko, wala talagang routine, haha. :) Pero usually, 24/7 akong nag-iisip ng stories, sulat ako nang sulat sa notebook or nagno-note sa phone. Gabi ang favorite time kong magdrawing. May mga gabi na marami akong nadodrawing na tuloy-tuloy, meron din namang mga gabi na mas marami akong time na nakatulala sa bintana (pero nag-iisip naman haha). :D Nagdodrawing pa rin ako sa paper (in-love ako sa process na ito hahaha), then isa-scan, and kukulayan digitally sa computer or sa tablet. Kada week, six Kikomachine strips ang gagawin ko para ilabas sa dyaryo, isang News Hardcore para sa online, tapos sa ibang araw yung para sa ibang sidelines at ibang tinatapos ko pang comics projects. :)

 

Who are your literary/artistic influences? What do you like about their work?

Bukod sa idol ko na tatay ko, ang ilang mga hinahangaan ko rin ay sila Pol Medina, Jr. ng Pugad Baboy, at Bill Watterson ng Calvin and Hobbes. Maraming marami pang iba pero sila yung mga malaki ang influence sa akin. Lumaki ako sa Pugad Baboy books at mahal na mahal ang humor at kulturang pinoy nito. Sa Calvin and Hobbes naman, gustong-gusto ko yung napaka-simple nito sa unang tingin, pero ang profound niya at ang deep haha! :)

 

Which book do you keep coming back to?

The Martian Chronicles ni Ray Bradbury. Isa sa all-time favorites ko hehe. :)

 

What are you reading right now? What's on your to-be-read list?

Ngayon ko pa lang binabasa yung Mockingjay (3rd book sa Hunger Games trilogy, hehe). Binabasa ko rin ngayon ang Rusty Brown ni Chris Ware, The Agony and The Ecstasy ni Irving Stone, rereading Pugad Baboy 1 ni Pol Medina Jr., rereading Mang Ambo 1 ni Larry Alcala. :)

 

Tell us something about yourself that not a lot of people know about.

Madalas akong kagatin ng lamok. Yung mga katabi ko hindi kinakagat, pero ako maraming kagat na. Madalas pa yung habang nagdodrawing na ako (sa labas) at nagko-concentrate na, dun pa ako kakagatin nang marami talaga.

 

Any advice for creators on how to cope with ECQ and the current state of the world?

Galing ito kay Neil Gaiman: Make good art. :)

Care to share a photo with us so we know you're alive and well (and real)?

Author Spotlight: Manix Abrera

Guess not. :P



15% off Award Winning Chidren's Book Sale April 12-16, 2021

Free shipping Php799